Tula ng Pagkabaliw
Hiniling ko sa Forces of Nature
Na sana bigyan ako ng taong kailangan ko
Hindi naman ako aasa kahit kanino,
Gusto ko lang ng taong magbibigay ng lakas ng loob ko
Na harapin ang hamon ng buhay…
Hanap nga ako hanap….yun pala nasa harapan lang kita
Di eto na nga pinatulan na nga kita, at ikaw naman pinaasa mo ako
Ng pinaasa….
Yun pala mapupunta din naman sa wala…wala kang lakas na
ipaglaban ako sa mga taong pumipigil sa kaligayahan mo at kaligayahan ko…
At lagi mo pang iniinda na mag asta ako na parang wala lang…
Minsan hindi ka din nag iisip no? Hello, saan ka ba nakarinig na
Pag ang tao naging malapit na sa isa’t isa eh siyempre mahuhulog
Ang loob nito…kung hindi sa mga biro, sa mga pag aalala…
Sa ngiti o kahit sa isang tingin…kuha ka na…kuha na ang kiliti mo…
Minsan hindi na kailangan magsalita….yakap lang….napapawi na ang lungkot
Ang pighati ng dulot ng pakikibaka makaraos lang sa araw na ito…
Panalangin na lang ang katapat kung tunay nga ba ang nararamdaman para sa isa’t – isa
Me sariling lakas ito na labanan ang mga pumipigil….sana nga lang…
Ipaglaban mo din ako….
Ito ang tanging hiling…ng puso kong dumadaing dahil
Unti unti nang nawawalan ng pag-asa….at mahihirapang mag hilom ang pusong…
Tinadyakan, sinapak, sinuntok at sinaksak… dahil tinalikuran mo….at iniwan
Me kasabihan sa ingles, it takes two to tango….hindi talaga pag ibig
Kung isa lang ang nag eeffort…dapat dalawa…eh kung mang-iwan ka sa ere…wala na talaga,
Paalam na lang sayo…dahil me respeto pa ako sa sarili ko…
Comments
Post a Comment